1. Wastong paggamit ng oras.
Sa panahon ngayon, karamihan sa mga mamamayan ay nagsasayang ng oras sa paggawa ng ibang bagay katulad nalang ng pagfafacebook, youtube, twitter at iba pa. Ginugugol nila ang kanilang oras sa mga hindi makabuluhang mga bagay. Kaya hindi nila natatapos ang kanilang gawain sa takdang panahon. Ang oras ay bagay na hindi na maibabalik. Importante ang bawat numero sa orasan kaya gamitin natin ito ng maayos at tama.
2. Maparaan sa lahat ng bagay
Ang pagiging maparaan sa lahat ng bagay ay isa sa mga katangian ng pagiging produktibo. Una ay dahil nabibigyan natin ng importansiya ang mga gamit na kung saan maaari nating gamitin sa susunod na mga araw. Pangalawa, nahahanapan natin ng paraan kung papaano masusulusyunan ang ating mga pangangailangang na hindi natin kayang ibigay. At ang panghuli ay nakakatulong tayo para mabawasan at makatipid sa mga kakailanganin.
3. May positibong pag-iisip o pananaw
Ang pagkakaroon ng positibong pag-iisip ay nagbibigay ng mabuting sinyales sa pagkakaroon ng maganda at produktibong kinabukasan. Masasabi ko na isa ito sa mga alituntunin o katangian dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit tayo nagtagumpay sa ating pangarap. Walang imposible at walang kayang hindi gawin, at higit sa lahat maalayo tayo sa problema at depresyon.
4. Masinop
Kinakailangan din ng isang produktibong mamamayan ang pagiging masinop o matipid sa kadahilanang mas nauunawaan natin ang tamang paggamit ng mga bagay sa tamang paraan at tamang panahon.
5. Matiyaga
Isa ito sa mga mahahalagang katangian na dapat mayroon ang bawat mamamayan dahil hindi sa lahat ng bagay ang buhay natin ay bahaghari, makulay, maginhawa at masaya. Hindi natin maiiwasan ang pagkaroon ng mga kakulangan sa ating pangangailan na kalakip ay pera para mabili o makuha ang mga ito. Kailangan nating magtiis at magtiyaga para magkaroon ng magandang epekto sa hinaharap.
6. Masipag
Ito ay isa sa mga aspeto na wala sa karamihan ngayon. Naging tamad at nakadepende na ang karamihan sa mga makabagong teknolohiya kasi nga "ang teknolohiya ay pinapabilis at pinapadali ang lahat ng gawain." Hindi na natin ginagawa ang mga gawain na kaya at madaling gawin dahil nga umaasa na tayo sa makabagong teknolohiya. Ito'y malaking problema dahil sa maling konsepsiyon na naibibigay sa atin nito. Dapat lagi nating isa isip na ang teknolohiya ay may tamang paggagamitan at pangangailangan. Dapat pa ring gamitin ang sariling kakayahan sa paggawa ng mga bagay bagay para sa susunod ay ating magagamit at maibahagi.
7. At higit sa lahat may pagmamahal at pagpapahalaga sa kaniyang ginagawa.
Ang pinakahuli at importanting alituntunin o katangian ng pagiging produktibo. Ito ang pinaka-epektibong katangian na dapat mayroon ang bawat indibiduwal dahil kung may pagmamahal at pagpapahalaga tayo sa ating ginagawa matatapos natin ang ating mga gawain ng matiwasay at walang kahirap hirap.